Habulan by ALYSSA published on 2020-04-01T11:00:14Z Para sa mga taong nakikipaghabulan pa rin kahit malinaw nang tinatakbuhan ka na talaga palayo. Matutong tumigil at bumitaw. Tanawin mo na lang mula sa malayo. LYRICS: I. Maliwanag ang buwan Naghahabul-habulan Ang ating mga aninong Minsan nang nagkatagpo II. Sa rami na ng dumaan Bakit natatandaan pa rin Ang kalawakang naramdaman N'ong kamay mo'y nahawakan ko Pre-chorus: Heto na naman tayo Kailan ba matututo? Wala naman nang magbabago pa Chorus: Ganito na lang ba 'to? Hanggang sulyap na lamang ba sa malayo? Ganito na muna 'to Bibitawan muna ang higpit ng kapit mo III. Kung ating sisimulan Sa'ting nakagawian Ay magagawan ba ng paraang Maibalik sa kahapong nakaraan? Pre-chorus: Heto na naman tayo Kailan ba matututo? Wala naman nang magbabago pa Chorus: Ganito na lang ba 'to? Hanggang sulyap na lamang ba sa malayo? Ganito na muna 'to Bibitawan muna ang higpit ng kapit mo Bridge: Ano nga ba talaga ang gusto kong marinig mula sa 'yong mga bibig? 'Pag sinabing wala na nga, maniniwala ba ako? Maniniwala sa iyo Na ganito na lamang 'to Hanggang sulyap na lang talaga sa malayo Ganito na muna 'to Binitawan mo na ang higpit ng kapit mo Chorus: Ganito na lang ba 'to? Hanggang sulyap na lamang ba sa malayo? Ganito na muna 'to Bibitawan muna ang higpit ng kapit mo ----- Litrato mula kay Marga Daguro. Tenchu. Comment by Karra.em luv ur soong! 2020-12-26T14:00:40Z Comment by Glennie Rose ang gandaaa 🥺 ano pooo chords?? 2020-07-30T17:37:05Z Comment by Marshal Cruz Ano po chords??? Ang gandaaa 2020-04-24T13:45:33Z Comment by Jami akin ka nalang po >3 2020-04-06T15:36:20Z Comment by Julyan the vibeee 2020-04-02T18:33:10Z Comment by nica AHHHHHHHH 2020-04-02T03:25:56Z Comment by Miko solid poo ❤ 2020-04-01T13:24:16Z Comment by Vincent Manaog ❤️❤️❤️ 2020-04-01T11:26:52Z Comment by a r v i e Labyu ALLCAPS! 2020-04-01T11:19:02Z Comment by Migs Dato idol 2020-04-01T11:05:19Z