Adventure song (or lakbay, IDK lol) by kerbs published on 2021-09-01T14:42:43Z Ngayo'y napagdesisyonan ko na ako'y maglalayag Iiwanan mga naipong galit hinanakit na tinitiis lalakbayin ko ang pitong dagat hahanapin ang isang pirasong minimithi At kung malunod man sa alon ay wag mabahala Ito'y hindi, hindi mo kasalanan Ngayon ako'y nasa gitna ng paglalakbay Patungo sa paghilom At kung ako'y abutin ng habang-buhay Nais ko lang namang lumaya Ngayo'y napagdesisyonan ko Na ako'y lilipad Sa kalawakan Patungo sa kawalan Umaasang mahahanap ang kalayaan sa sarili, sa maingay na isip ko ohhh Ngayon ako'y nasa gitna ng kawalan Nawawala, naliligaw At kung hindi makabalik sa sarili Nais ko lang namang lumaya bridge: at kung hindi man ako makaraos ay bibigyan ba ng puntos Sa pagpilit sa sarili na umusad nais ko lang naman ngayon ako'y nalilito ano ba ang nais? Ano ba ang gusto? Hindi maintindihan ang sarili Nais ko lang naman maging malaya Ngayon ako'y nasa gitna ng paglalakbay Patungo sa paghilom Ngayon ako'y nasa gitna ng kawalan Nawawala, naliligaw At kung hindi makabalik sa sarili At kung ako'y abutin ng habang-buhay