Kahel At Bughaw by ιcнαη тєαñσ published on 2015-07-30T00:27:09Z This song describes the life story of a gay man who fell in love with his straight best friend. KAHEL AT BUGHAW Music and Lyrics by JEROME CLEOFAS Copyright 2015 Ang taglay niyang kulay ay bughaw At sa kakisigan niya ako’y napukaw Ako nama’y kahel na marikit, isang baluktot na yagit Na hindi maituwid kahit ano’ng ipilit Musmos pa lang nang kami’y magkalaro At sa mga kalaba’y ‘di sumuko At kahit na ako’y sinasaktan, dahil ‘di pangkaraniwan Sabi ni bughaw ako ay kaibigan, at siya ang aking pananggalang At mula noo’y ibinigay ang puso ko Sa isang pangarap na hindi magkakatotoo Dahil ako’y isang kahel na ligaw Na umiibig sa isang bughaw At noong kami’y magbinata Sa aki’y meron siyang pinakilala Isang babaeng marikit, na maganda at mabait Kaya si bughaw kay pula naakit At sa altar siya’y naghintay Sa babaeng aalayan niya ng buhay Ako nama’y naro’n lang sa tabi, nakangiti kahit masakit Ngunit ang makita siya na maligaya, ay sapat na upang ako ay sumaya Dahil sa kanya pa rin tumitibok ang puso ko Siya ang tanging pangarap kong hindi nagkatotoo Ngayon ako’y isang kahel na uhaw Na umiibig sa isang bughaw At ang mga tao’y lumipas na Siya ay nagkamilya at ako’y tumandang mag isa at Sa huling hibla ng aking buhay Si bughaw sa aki’y naka akay Sabi niya kahel kong marikit, sa palad mo nakaguhit Ang pangakong ako ang ‘yong kaibigan, nandito lang ako kailan pa man At hindi ko man ibinigay ang puso ko Sabay naman nating tinupad ang mga pangarap mo Salamat kahel at hindi ka bumitaw Salamat, nagmamahal, bughaw Genre OPM Comment by jay_are_vee hello sir..may i ask po where can i get the instrumental for kahel and bughaw? Thank you. 2020-05-17T08:47:50Z Comment by Kevs wow 2016-10-09T08:23:32Z Comment by Clarice Neri OMG. T^T 2016-07-20T18:50:16Z Comment by Renz Blanca <3 2015-10-04T16:57:47Z Comment by Eben this is amazing! so heartfelt... 2015-08-12T14:57:53Z Comment by seanthebeanbun halaa. yung boses. :O 2015-08-06T04:57:44Z Comment by Van Sandique Paglinawan Bagay sa buwan ng wika.Tagalog na tagalog. May halo ring panitikan. :) 2015-08-05T01:39:42Z Comment by Romeo Alvarez Jr. Wooaaa! ngayon ko lang nakita si Sir Jerome pala ang sumulat ng Lyrics. Kaya pala sabi may kamuka ng style ng pagsulat :) 2015-08-02T13:55:51Z Comment by Romeo Alvarez Jr. Parang Erik Santos ang boses! kakakilabot sir. galing! 2015-08-02T13:51:45Z Comment by Conradmusic Shuffle hala bagay na bagay sa boses :) 2015-07-30T21:17:48Z Comment by Jerome Cleofas Holy crap your voice is perfect for this. huhuhuhu iiyak na naman ako. 2015-07-30T11:29:34Z